BPPO

MHMT hinasa kahandaan, kasanayan sa baril ng BPPO

110 Views

BPPO1BPPO2BPPO3

KAMPO HENERAL MALVAR, Lungsod ng Batangas — Hinasa ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), sa ilalim ng pamumuno ni Acting Provincial Director PCOL Oliver B. Ebora, ang kasanayan ng 100 tauhan nito sa pagbaril sa ginanap na Modified Handgun Marksmanship Training (MHMT) Phase I at II noong ika-21 ng Hulyo 2026 sa Firing Range, sa nasabing kampo.

Ang pagsasanay ay pinangunahan ng RETD-RSTU 4A sa pamamagitan ng PHRDDS upang ipatupad ang masusing taktikal na paghawak ng baril.

Binigyang-diin sa programa ang tama, bilis, at kaligtasan sa paggamit ng baril sa iba’t ibang operasyon ng pulisya.

Sa pamamagitan ng praktikal na coaching at gabay ng mga ekspertong instruktor, layunin ng BPPO na tiyakin ang mataas na antas ng disiplina at kahandaan ng mga pulis sa paglilingkod at pagprotekta sa mga mamamayan ng na nabanggit na lungsod.