MRT3

MRT-3 may biyahe sa Pasko, Bagong Taon

121 Views

MAYROONG biyahe ang mga tren ng Metro Rail Transit 3 sa araw ng Pasko at Bagong Taon.

Ayon sa pamunuan ang MRT-3, ang unang biyahe sa araw ng Pasko at Bagong Taon mula North Avenue Station at Taft Avenue station ay 6:30 ng umaga.

Ang huling biyahe naman mula North Avenue ay 9:30 ng gabi at 10:09 ng gabi naman ang mula Taft Avenue Station.

Mas maikli naman ang operasyon ng MRT-3 sa bisperas ng Pasko at Bagong Taon.

Ang unang biyahe mula North Avenue Station sa ika-24 at ika-31 ng Disyembre ay 4:37 ng umaga at sa Taft Avenue Station naman ay 5:18 ng umaga. Ang huling biyahe naman mula North Avenue Station ay 7:48 ng gabi at 8:26 ng gabi naman mula Taft Avenue Station.