SCTEX-TPLEX interlink expressway bubuksan sa 2023

142 Views

BUBUKSAN sa 2023 ang extension ng interlink expressway project sa Central Luzon na magdurugtong sa Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX) at Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway (TPLEX) sa Tarlac.

Ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH) ang nalalabing pitong kilometrong segment ng Central Luzon Link Expressway (CLLEX) ay matatapos sa unang semestre ng 2023.

Sa kasalukuyan ay 18 kilometro pa lamang ng CLLEX ang natatapos.

Ang CLLEX ay mayroong kabuuang haba na 30 kilometro. Mayroon itong apat na lane at makatatakbo ng 100 kilometro bawat oras dito.

Ang CLLEX ay ginawa sa tulong ng Japan International Cooperation Agency (JICA).

Layunin ng kalsada na gawing 20 minuto na lamang ang kasalukuyang 70 minutong biyahe mula sa Tarlac City hanggang Cabanatuan City.