PCSO

Nanalo ng P73.7M SuperLotto jackpot nagpalipas ng isang buwan bago kumobra

193 Views

NAPGPALIPAS ng mahigit isang buwan ang nanalo ng P73.77 milyong jackpot prize sa Super Lotto 6/49 bago nito kinuha ang premyo.

Sa inilabas na impormasyon ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ngayong Miyerkoles, Agosto 17, pumunta ang nanalo sa kanilang tanggapan noong Hulyo 25.

Ang mananaya ang galing sa Iloilo City at nagiisang nakakuha ng winning number combination na 36-07-14-21-20-42 na lumabas sa bola noong Hunyo 23.

Ayon sa nanalo ang mga numero ay mayroong kinalaman sa kaarawan ng kanyang mga mahal sa buhay. May 20 taon na umano itong tumataya sa lotto at paminsan-minsan ay nakakakuha ng tatlo o apat na numero.

Gagamitin umano ng nanalo ang kanyang napanalunan para sa kinabukasan ng kanyang mga anak.

Ayon sa Charter ng PCSO (Republic Act No. 1169) ang isang nanalo ay mayroong isang taon para kubrahin ang kanyang premyo mula sa araw kung kailan ito tumama.

Kung hindi makukuha, ang premyo ay mapupunta sa Charity Fund ng PCSO kung saan nanggagaling ang mga itinutulong nito sa mga nangangailangan.

Ang premyo na nagkakahalaga ng mahigit P10,000 ay pinapatawan ng 20 porsyentong buwis alinsunod sa TRAIN law.