P446M jackpot ng Ultra Lotto hindi tinamaan

146 Views

WALANG tumama sa P466.8 milyong jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 sa bola gabi ng Martes.

Sa inilabas na resulta ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) wala umanong tumaya sa winning number combination na 32-34-19-06-27-35.

May 24 mananaya naman na nakakuha ng lima sa anim na numerong lumabas at nanalo ng tig-P120,000.

Tig-P2,000 naman ang tinamaan ng 1,937 mananaya na nakaapat na numero at tig-P100 ang 45,784 mananaya na nakatatlong numero.

Ang Ultra Lotto ay muling bobolahin sa Biyernes.