Batangas

Parusa nag-aabang sa parak na nagmotor ng walang helmet

168 Views

BATANGAS CITY–Hindi kukunsintihin ng Batangas City police ang isa sa mga miyembro nito na lumabas sa social media na nagmomotorsiklo ng walang helmet habang patungo sa impounding area.

Batay sa “No One is Above the Law” policy, hindi kinukunsinti ang hindi pagsusuot ng kaukulang safety gear, lalo na’t ang aming hanay ang dapat na nagpapatupad nito, ayon sa Batangas City police.

Ang nasabing pulis ay nakatakdang sumailalim sa administrative sanction at pagmumulta, ayon sa itinakda ng LTO.

Ayon sa report, kinuha ang motorsiklo sa isang checkpoint dahil sa kawalan ng rehistro at kaukulang dokumento.

Dahil walang available na tow truck, kinailangang ilipat agad ang sasakyan sa station upang hindi makasagabal sa daloy ng trapiko.

Kami ay nagpapasalamat sa mapagmatyag na publiko sa pagpuna sa aming mga pagkukulang. Ang inyong feedback ay nagsisilbing gabay upang mas lalo naming pagbutihin ang aming serbisyo at disiplina, ayon sa police station.