Calendar
Presyo ng bottled water sana di tumaas
MAGANDANG araw sa lahat ng ating mambabasa, lalo na sa mga kababayan natin diyan sa Japan.
Nawa’y nasa mabuti kayong kalagayan at kalusugan.
Binabati natin sina Ma. Theresa Yasuki, Patricia Coronel, Aimi Houchii, La Dy Pinky, Chato Coronel, Yoshiko Katsumata, Endo Yumi, Roana San Jose, Hiroki Hayashi, Winger dela Cruz, at si Hiroshi Katsumata.
Ganun din kay Joanne de Guzman at iba pang OFW natin sa Oman at Jess Manuel ng Saudi Arabia.
***
Kamakailan, isang regional inter-agency intelligence summit on border security at anti-smuggling operations ang ginanap sa bansa.
Ang summit ay pinangunahan ng Bureau of Customs-Port of Cagayan de Oro sa ilalim ni District Collector Arnaldo M. Saulong.
Kasama sa pulong ang PCG, PDEA, PA, PN, National Intelligence Coordinating Agency, PNP-Intelligence Group at BOC-Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS).
Sa pulong, sinabi ni Commissioner Ariel F. Nepomuceno na hindi kaya ng iisang ahensya ang banta sa ating border security at paglaban sa smuggling.
Sa pamamagitan ng intelligence partnerships, ayon sa kanya, ay “mapapalawak natin ang ating kakayahang matukoy ang mga panganib, mapigilan ang smuggling, at mapanatili ang seguridad ng bansa.”
Sinabi naman ni BOC Depcom Emmanuel D. Licup, kailangang masuri at maibahagi kaagad ang mga impormasyon sa tamang ahensiya.
Ito ay para makapagsagawa ng maaga at maagap na aksyon ang mga tanggapan, si Licup ay isang retiradong police major general.
Dumalo rin sa pulong sina dating BOC-CIIS Director Thomas M. Narcise at Redford L. Surposa, chief of the CIIS ng CDO at Surigao.
Napapanahon ang nasabing intelligence summit sa Cagayan de Oro City dahil sa security threats at patuloy na pagpasok ng iba’t ibang kontrabando sa bansa.
Sa dami ng isla sa Pilipinas ay talagang mahirap masawata ang ismagling.
Kulang na kulang ang manpower at material resources natin, kagaya ng barko, patrol vessels at iba pang kagamitan.
At nandiyan pa ang mga natitirang bugok na lingkod-bayan na protektor ng mga ismagler.
Pero naniniwala tayo na sa pangunguna nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., Finance Secretary Frederick Go at Commissioner Ariel F. Nepomuceno ay maipapakulong natin ang maraming ismagler.
Ang kailangan natin ay pagtutulungan ng lahat ng concerned government agencies.
Mahalaga rin ang tulong ng taumbayan, kasama na ang mga ordinaryong Pilipino.
***
Mabuti naman at pinaghahandaang mabuti ng gobyerno ang paparating na El Nino.
Inaasahang matinding tagtuyot ang tatama sa bansa na magpapahirap sa taumbayan, lalo na ang mga magsasaka dahil sa kakulangan ng tubig.
Hindi lang mga magsasaka ang mahihirapan kundi lahat ng tao dahil apektado rin ang supply ng drinking water.
Sana naman huwag tumaas ang presyo ng bottled water.
At huwag pabayaang tumaas ng husto ang presyo ng mgagulay at iba pang produkto ng mga magsasaka.
Ikulong kaagad ang mga hoarder at profiteer para matakot gumawa ng kalokohan ang mga mapagsamantalang traders.
(Para da komento at pagbati, mah-tex sa #09178624484/rmail:philipreyes08@yajoo.com)
