Calendar
PSBRC Class ’98 members pinakita tibay ng samahan


KAMPO VICENTE LIM, Calamba City — Ipinagdiwang ng Public Safety Basic Recruit Course (PSBRC) Class 1998 ang halos 28 taon ng samahan at serbisyo noong Biyernes sa multipurpose center hall ng kampo.
Pinangunahan ni PBGen. Dominic Baccay, director ng Police Regional Office 4A (PRO 4A), ang pagtitipon bilang guest of honor at speaker.
Iba’t-ibang yugto na ang pinagdaanan ng klase; may mga pumanaw na, nagretiro, lumipat sa lokal na pamahalaan at marami pa rin ang naglilingkod sa PNP.
Pinatunayan ng Class ’98 na walang nakakapagpapawi sa kanilang samahan.
Binigyang-diin sa pagtitipon ang kahalagahan ng B.E.S.T. Policing Framework lalo na sa aspeto ng Serve Together.
Suportado rin nito ang Focused Agenda ng Chief PNP na naglalayong itaas ang moral at pangalagaan ang kapakanan ng bawat kapulisan.

