Suspek

Pulis Ecija inaresto 107 suspek sa iba’t ibang krimen

Steve A. Gosuico Aug 29, 2026
211 Views

CAMP GEN. MARIANO N. LLANERA, Cabanatuan City — Nasa 107 na suspek sa halu-halong krimen ang nasakote at nakasamsam din ng 12.81 gramo ng shabu na katumbas ng P87,108 sa lalawigang ito noong Agosto 17-27, ayon kay Nueva Ecija cop chief Col. Ritchie Claravall.

Nakasamsam sa operasyon ng 48 loose firearms at pekeng sigarilyo na may halagang P230,080.

Naaresto ang tatlong lalaki dahil sa illegal possession of bladed weapons at nasa 22,443 katao ang lumabag sa Safer Cities ordinance.

Umabot sa 12 search warrants ang naipatupad kung saan 10 ang nahuli at 10 armas at 114 bala ang nasamsam.

“Ang kapayapaan at seguridad ay nagsisimula sa barangay,” dagdag ng opisyal ng pulis.