Seaman Nagbigay ng pahayag si PBGen. Arnold Thomas Ibay, RD ng Negros Island Region, kaugnay sa pagkakatimbog sa suspek na wanted ng MPD. JONJON C. REYES

SEAMAN NA WANTED SA MPD SA KASONG LARGE SCALE ILLEGAL RECRUITMENT, NATIMBOG SA NEGROS OCCIDENTAL

Jon-jon Reyes Dec 3, 2025
256 Views

ARESTADO ang 57-anyos na retired seaman ng mga operatiba ng Murcia, Municipal Police Station sa Negros Occidental dahil sa kaso nitong large-scale illegal recruitment matapos maispatan sa provincial highway sa Brgy. Blumentritt, Murcia, Negros Occidental,Martes ng hapon.

Nakilala ang suspek na si alyas Jessie (No. 6 MWP ng Malate Police Station 9/MPD), single, retired seaman, at residente ng Purok San Antonio, Brgy. Ang Sta. Cruz, Murcia, Negros Occidental..

Ayon kay PBGen.Arnold Thomas Ibay, Regional Director ng Negros Island Region, bandang 2:50 ng hapon ng damputin ang suspek.

Base sa report, nagsagawa ang Tracker Team ng Murcia MPS, sa pangunguna ni PCapt. Honey G. Labaro,Acting Chief Of Police, ng Manhunt Charlie Operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek sa nabangit na lugar.

Ang suspek ay nasakote sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong large-scale illegal recruitment sa ilalim ng Section 6 ng R.A. Blg. 8042, na sinususugan ng Seksyon 5 ng R.A. 10022, na may Criminal Case No. R-MNL-24-02056-CR, na nilagdaan ni Judge Cirile Maduro Foja, ng National Capital Judicial Region, Regional Trial Court, Branch 6, Manila,

Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang paglaya ng suspek na kasalukuyang nakakulong sa Murcia Custodial Facility para sa tamang disposisyon..