Phivolcs

Batangas nilindol

223 Views

ISANG lindol na may lakas na magnitude 4.1 ang yumanig sa Batangas umaga ng Biyernes, Nobyembre 11.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) naramdaman ang lindol 9:36 ng umaga. Ang epicenter nito ay 15 kilometro sa kanluran ng Calatagan, Batangas at may lalim na 82 kilometro.

Naitala ng PHIVOLCS ang mga sumusunod na Intensity:

Intensity I – Quezon City

Instrumental Intensities:

Intensity III -Puerto Galera, Oriental Mindoro

Intensity II – Calatagan, Batangas; Magallanes, Cavite; Abra De Ilog, Occidental Mindoro;

Intensity I – Batangas City, Batangas; Tagaytay City, Cavite; Los Baños, Laguna; San Jose, Occidental Mindoro; Calapan City, Oriental Mindoro; Olongapo City, Zambales