Eduardo Aliño

Negosyante bagong SBMA administrator

Chona Yu Jan 13, 2024
128 Views

ITINILAGA ni Pangulong Ferdinand “Bongbing” Marcos Jr. ang negosyanteng si Eduardo Aliño bilang bagong administrator ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA).

Nanumpa na rin si Aliño kay Pangulong Marcos sa Palasyo ng Malakanyang.

Pinalitan ni Aliño si dating SBMA administrator Jonathan Tan na nanumpa na rin bilang Undersecretary ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Si Aliño ay chairman ng Subic Bay Yacht Club , siya din ang presidente at chairman ng S.T.A.R. Group of Companies.

Tunatayo ring chairman at president ng Subic Bay Freeport Grain Terminal Services, Inc. at Mega Equipment International Corporation si Aliño.

Habang si Tan naman at dating mayor ng Pandacan, Antique , may ari ng JDT Construction and Supply at president of JDT Trading.

Si Tan ay nagbitiw sa kanyang pwesto walong buwang matapos siyang italaga ni Pangulong Marcos sa SBMA.