BDO Layunin ng mga health centers na maging mas nakasentro sa pangangailangan ng mga pasyente at maging mas kaaya-aya para sa pagpapagaling at kalusugan nila.

BDO nag-turn over ng 4 bagong rehab na RHU sa Luzon, Visayas

17 Views

BDO1ANG BDO Foundation, ang corporate social responsibility arm ng BDO Unibank, ay sinalubong ang bagong taon sa pamamagitan ng turnover ng apat na bagong na-rehabilitate na rural health units (RHUs) para sa mahigit 96,000 Pilipino sa ilang bahagi ng Luzon at Visayas.

Bilang suporta sa kapasidad ng bansa na maghatid ng pangunahing serbisyong pangkalusugan sa grassroots level, isinagawa ng BDO Foundation ang rehabilitasyon ng dalawang pasilidad sa Capiz—ang Ivisan Rural Health Unit and Birthing Facility at Sapian Rural Health Unit and Birthing Clinic. Na-renovate din ang Peñarrubia Rural Health Unit sa Abra at Pilar Rural Health Unit sa Bohol. Sa kabuuan, 195 rural health units na ang na-rehabilitate ng BDO Foundation sa buong bansa.

Sa gabay ng mga lokal na pamahalaan at kanilang municipal health officers, inayos ng BDO Foundation ang loob at labas ng mga pasilidad upang maging mas kaaya-aya at komportableng lugar para sa pagpapagaling. Sa ilang RHUs, nagdagdag ang foundation ng mga lugar para sa mga senior citizens, bata, at nagpapasusong ina upang masiguro ang kaginhawaan ng mga pasyente tuwing magpapatingin sa mga health centers.

Naniniwala ang BDO Foundation na mahalaga ang RHUs sa pagpapalakas ng pagbibigay ng pangunahing serbisyong pangkalusugan. Ang mga ito ay pangunahing puntahan ng komunidad para sa basic health checks, regular na pagbabakuna, at iba pang preventive care.

“We want primary health care to be accessible and comfortable for Filipinos. We hope that our humble contribution empowers our health workers to provide better services, and helps patients receive better care,” ani Mario Deriquito, presidente ng BDO Foundation.

Ang RHU rehabilitation program ay isang patuloy na inisyatiba ng BDO Foundation. Nagpapatuloy ang foundation sa pag-renovate ng mga health centers sa buong bansa sa tulong ng mga BDO Unibank at BDO Network Bank branch officers na nagrerekomenda ng mga RHU na nangangailangan ng suporta.