Nograles Dumalo si Rizal 4th District Congressman Fidel Nograles sa pagbibigay tulong sa mga kababaihan sa Montalban, Rizal.

Kababaihan sa Rizal binigyan ng tulong

Jon-jon Reyes Mar 28, 2025
47 Views

NAGBIGAY-pugay si Rizal 4th district Congressman Fidel Nograles sa mga kababaihan sa Montalban, Rizal sa pamamagitan ng pagbibigay tulong pinansyal sa mahigit 7,000 kababaihan at residente ng nasabing lugar.

Nagpugay at kinilala niya ang tagumpay, sakripisyo at kontribusyon ng mga kababaihan sa lipunan.

Ang Marso hindi lamang pagdiriwang ng tagumpay ng kababaihan, kundi isang panahon din ng pag-alaala sa mga hamon at pagsubok na kanilang hinaharap sa pamamagitan ng pagbibigay diin sa mga pangarap, saloobin at mga adhikain.

Mahalaga ang pagkakaisa at pakikibaka upang matugunan ang mga pangangailangan at hangarin ng mga kababaihan, ayon sa mambabatas.