Calendar
Provincial
P340K na shabu nasamsam sa drug suspek
Bernard Galang
Apr 11, 2025
434
Views
NATIKLO ang isang drug suspek na nahulihan din ng mahigit P340,000 na halaga ng shabu sa entrapment sa Mexico, Pampanga kamakailan.
Sa ulat kay Police Regional Office (PRO)-3 director Brig. Gen. Jean Fajardo, kinilala ni Pampanga police director P/Col. Jay Dimaandal ang suspek na si alyas Cusi, 35, ng Bgy. Del Pilar, San Fernando, Pampanga.
Nagresulta sa pagkaka-aresto ng suspek ang entrapment at pagkakakumpiska ng hindi bababa sa 51 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P346,800 at ang buy-bust money.
Nasa kustodiya ng Mexico police ang suspek na sasampahan ng kasong paglabag sa RA 9165.
Kelot binaril ng bayaw ng paltik, sugatan
Aug 2, 2026
Guardian bagong hepe ng Nasugbu police
Aug 2, 2026
PRO 4A cops umariba; inaresto 63 crime suspek
Aug 1, 2026
Bataan drug pusher nahatulong na kulong for life
Jul 31, 2026
‘SIGA NG CAVITE’ TINUTUGIS NA NG PULISYA
Jul 31, 2026

