Calendar

2 tumakas sa rehas, 2 kakutsaba tiklo
DALAWANG pugante mula sa Bulacan provincial jail ang muling nahuli noong Linggo matapos tumakas sa tulong ng jail guard at sibilyang babae.
Kinilala ni Criminal Investigation and Detection Group 3 regional chief Col. Richard Bad Ang ang dalawang nakatakas na sina alyas Abdua, 46, at Mario, 47.
Naaresto rin sa manhunt sina jail guard Tee-jay Jimenez, 25; at Sarah Wahid, 41.
Naglunsad ng manhunt ang mga miyembro ng CIDG Bulacan PFU at Malolos City police at Bulacan police laban sa mga nakatakas sa Purok 3, Brgy. Dakila, Malolos City, Bulacan.
Ang operasyon humantong sa muling pagdakip sa mga detenido kasama si Jimenez, na nag-escort sa mga detenido sa labas ng pasilidad nang walang pahintulot ng korte; at Wahid dahil sa umano’y pagsasabwatan at pagbibigay ng pagpayag sa pagtakas ng isang detenido.
Nakuha mula sa mga nakatakas ang isang .45 pistol, isang magazine assembly para sa .45 na baril, anim na bala para sa .45, isang .9 mm pistol, isang magazine assembly para sa . 9 mm, siyam na bala para sa .9 mm, isang holster at isang Toyota Hilux.