Morillo

Tradisyong Kristiyano sinasalamin ng Moriones

32 Views

CALAPAN CITY–Sumisimbolo ang mga Morion tuwing Moriones Festival sa mga Romanong sundalo na ayon sa tradisyong Kristiyano nagbantay kay Hesus noong panahon ng kanyang pagpapako sa krus.

Ang festival ginaganap tuwing Semana Santa sa Marinduque at isa sa pinakakilalang festivals sa Pilipinas.

Isa sa mga tampok ng Moriones ang dula ukol kay Longinus, isang Romanong sundalo na nabulag sa isang mata at gumaling matapos mapatakan ng dugo ni Hesus.

Dahil dito, siya naniwala at nagbagong-loob kaya’t pinatay siya ng kapwa sundalo.

Ang kanyang istorya simbolo ng pananampalataya, pagbabagong-loob, at sakripisyo.

Sa pangunguna ni Mayor Malou Flores-Morillo, naging layunin ng lungsod na palalimin ang pananampalataya ng mga Calapeño at itampok ang makulay na bahagi ng ating kultura’t kasaysayan sa gitna ng Mahal na Araw.