P600K na shabu nakumpiska sa bebot na suspek na tulak

Bernard Galang Apr 21, 2025
66 Views

ARESTADO ang babaeng suspek na tulak at nasamsam mula sa kanya ang mahigit P600,000 na halaga ng shabu sa entrapment sa Orion, Bataan.

Nakilala ni Bataan police acting director Col. Marites Salvadora ang suspek na si alyas Arianne, 52, ayon sa report kay Police Regional Office (PRO)-3 chief PBGen. Jean Fernando.

Nahuli ang suspek ng mga tauhan ng Bataan police sa pangunguna ni Cpt. Ian Vinluan sa Brgy. Villa Angeles, Orion.

Nakumpiska sa suspek ang 101 na gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P686,800.

Nakakulong ang suspek sa Orion police at sasampahan ng kasong paglabag sa RA 9165.