Calendar

Tindero todas, 2 nasugatan sa Sto Tomas
DEDO ang isang tindero ng gulay at sugatan ang dalawang pasahero matapos pagbabarilin ng mga hindi nakilalang salarin habang sakay ng motorsiklo sa Maharlika Highway, Brgy. San Roque, Sto. Tomas City, Batangas noong Martes.
Ayon kay Batangas police director P/Col. Jacinto Malinao Jr., napatay si alyas Josep, 34, at sugatan sina alyas Mariz, 39, at Myra, 47.
Nakasuot ang mga hindi nakilalang suspek na naka-itim na face mask, maong na pantalon at tsinelas at ang backrider naka itim na jacket, maong na pantalon, berdeng sapatos at sakay ng itim na Yamaha N-MAX.
Bandang alas-4:00 ng hapon sakay ang mga biktima ng motorsiklo na may sidecar patungo sa Sto. Tomas ng biglang tapatan ng motorsiklo sakay ang mga salarin at pinaputukan ng malapitan ang mga biktima.
Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang dalawang basyo ng bala at isang live ammunition para sa cal .45.