Vic Reyes

Kita inaasahang tataas dahil sa parating na Xmas items

Vic Reyes Jul 23, 2025
447 Views

ISANG mapagpalang araw sa lahat ng ating mambabasa.

Nawa’y nasa mabuti kayong kalagayan at kalusugan.

Dito sa Pilipinas, ilang araw ng walang tigil ang pagbayo ng malalakas na ulan dulot ng bagyo at masamang panahon.

Binabati natin ang mga kababayan natin sa Japan na sina:

Ma. Theresa Yasuki, Aimi Houchii,

La Dy Pinky, Patricia Coronel, Chato Coronel, Yoshiko Katsumata, Endo Yumi, Roana San Jose, Lorna Pangan Tadokoro, Hiroki Hayashi, Winger dela Cruz, at si Hiroshi Katsumata.

Ganun din kay Joanne de Guzman at iba pang OFW natin sa Oman at Jess Manuel ng Saudi Arabia.

(Para sa inyong pagbati at opinyon, mag-text sa # +63 9178624484)

***

Kamakailan ay nagpulong sina Financer Secretary Ralph Recto at Commissioner Ariel S. Nepomuceno ng Bureau of Customs (BOC).

Ito ang unang miting ni Commissioner Nepomuceno kay Recto mula nang siya ay umupo sa BOC.

Pinag-usapan ng dalawang opisyal kung paano mapaganda ang serbisyo ng gobyerno sa dating tinatawag na “snake-infested” waterfront.

Alam ng dalawang opisyal na kailangang mapaangat ang revenue collection ng BOC.

Hindi puwedeng magpabaya ang mga opisyal at kawani ng ahensya.

Kailangang makakolekta ng sapat na buwis at taripa mula sa mga parating na importasyon.

Marami pang socio-economic development projects na ongoing at sisimulan pa lang ng administrasyon.

Kaya kayod-kalabaw ang dapat gawin nina Commissioner Nepomuceno.

***

Inaasahang tataas ang revenue ng Bureau of Customs (BOC) sa mga susunod na buwan.

Parating na kasi ang mga tinatawag na “Christmas items” sa bansa.

Sa Pilipinas, nagsisimula ang Christmas Season, buwan pa lang ng Setyembre.

Ang Pilipinas ang may pinakamahabang Holiday Season sa buong mundo.

Ang maganda dito, maraming expensive Christmas items na mabibili sa mga shopping malls.

Nandiyan ang mga appliances, mamahaling celfons, laptops at computers.

Magsisimula na ring dumating ang mga “balikbayan boxes” na galing sa mga overseas Filipino workers (OFWs).

Karamihan dito ay mga ipinapadala ng mga OFWs sa mga kamag-anak sa bansa.

Kaugalian na kasi nating mga Pinoy ang magbigayan ng aguinaldo tuwing sasapit ang Pasko.

Tama ba mga kabayan!

***

Grabe ang mga pag-ulan na dulot ng masamang panahon sa bansa.

Hindi malakas ang hanging dala ng tatlong bagyo na bumanat sa Pilipinas.

Pero ang ulan na dala ng mga ito ay nagpalubog sa maraming parte ng bansa.

Idagdag pa ang epekto ng tinatawag na monsoon rains.

Madaling umapaw ang mga ilog at iba pang daluyan ng tubig dahil sa mga basurang itinapon sa mga ito.

Marami pang kalbaryo ang dadanasin natin dahil umaabot ng 20 ang bagyong dumadaan sa bansa taun-taon.