Just In

Calendar

July 2026
M T W T F S S
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  
Bigti

Ina natagpuang nakabigti 14-anyos na anak

377 Views

HINDI makapaniwala ang isang ina na patay na at nakabitin na niyang matatagpuan ang kanyang 14-anyos na anak sa Quezon City.

Ayon sa report, natagpuan ang nakabiting bangkay ng grade 9 student bandang alas-2:47 ng madaling araw sa kanyang kuwarto sa Brgy. Commonwealth, QC.

Ayon sa ina ng biktima, laking gulat niya nang makita ang anak na nakabigti sa steel bar ng double deck.

Agad niyang pinutol ang lubid subalit hindi na rin humihinga ang biktima.

Wala rin umano silang alam na problema ng anak.

Tumanggi na umano ang mga magulang ng biktima na ipa- autopsy ang bangkay.