Yosi

PNP-HPG hinarang kontrabando ng sibuyas, yosi

Alfred Dalizon Sep 29, 2025
268 Views

TINATAYANG P1.7 million na halaga ng mga kontrabandong sigarilyo ang naharang sa Quiapo ng mga miyembro ng Philippine National Police- Highway Patrol Group makapasok sa Metro Manila.

Arestado din ang 44-anyos na driver ng commuter van kung saan nakakarga ang 148 reams ng smuggled cigarettes na may value na halos P618,000, sabi ni PNP-HPG director, Colonel Hansel Marantan.

Bigo ang driver na makapagpakita ng delivery receipts o anumang legal documents para suportahan na legal ang biyahe niya ng ganoong karami ng sigarilyo.

Nahuli ang smuggler ng yosi mula sa sumbong ng representative ng PMFTC, ang leading cigarette manufacturer sa Pilipinas.

Dalawa pang vans ang nasabat at na-intercept ang 2 vans na may kargang P1.35 million smuggled onions.

Sa follow-up operation, isa pang kontrabando ng puting sibuyas na may value na P900,000 ang hindi nakalusot.

“The Highway Patrol Group remains firm in its mandate to enforce laws protecting not only vehicles but also the public from illegal trade and counterfeit goods. By stopping the distribution of these products, we protect legitimate businesses and safeguard consumers,” sabi ni Col. Marantan.