Chinese Kinilala ni NBI Director Jaime Santiago ang Chinese national na naaresto dahil sa human trafficking ng Vietnamese national sa Paranaque City.

Human trafficker na Chinese huli

Jon-jon Reyes Sep 29, 2025
358 Views

NATIMBOG ng mga ahente ng NBI-Cybercrime Division (NBI-CCD) ang Chinese national na suspek sa human trafficking sa Parañaque City noong Huwebes.

Nakilala ang suspek na si alyas Lee at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9208 (Anti-Trafficking in Persons Act of 2003).

Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, nag-aalok si Lee ng mga babae sa mga dayuhan para sa sekswal na serbisyo at may bayad na P20,000-P70,000 bawat gabi.

Dahil dito kumilos ang mga ahente ng NBI-CCD para arestuhin ang suspek.

Sa operation, isang ahente ang nagpanggap na customer at sumang-ayon na magkita sa isang hotel sa Parañaque City kung saan pupunta si Lee at maghahatid ng dalawang Vietnamese na babae sa halagang P35,000 bawat isa.

Hiniling ni Lee ang napag usapang downpayment na P5,000 para makumpirma ang transaksyon.

Noong Setyembre 25, 2025, tumuloy ang mga ahente ng NBI-CCD sa napagkasunduang tagpuan sa Parañaque City at madiskarteng nakaposisyon sa paligid.

Pagdating sa hotel ang poseur-customer ay sinalubong ng isang Chinese national na nakilalang si Lee.

Pinuri ni NBI Director Santiago ang mga ahente ng NBI-CCD sa kanilang tagumpay na operasyon.