Calendar
Kinilala ni PLt. Col. Ronald Deleon, hepe ng MPD Raxabago Station 1, ang naarestong suspek matapos magsumbong ang biktima at manyakin nito ang kanyang pasahero sa Tondo, Manila.
Rider arestado sa paghawak sa dibdib ng bebot na pasareho
ARESTADO sa mga operatiba ng Manila Police District (MPD) ang 44-anyos na lalaking rider matapos ireklamo ng 34-anyos na biktima nito na kanyang pasahero sa motorsiklo, makaraang manyakin at hawakan ang dibdib ng biktima Linggo ng gabi sa Barangay 105, Tondo, Manila.
Nakilala ang suspek na si alyas “Randy,” binata at residente ng Barangay 101 sa Tondo.
Ayon sa report ng pulisya, bandang 10:45 ng gabi nang mangyari ang pangmomolestiya ng suspek sa biktima.
Base sa salaysay ng biktima at inihayag ng initial investigation, nagpa-book ng motorcycle taxi ang babae papunta sa kanyang trabaho. Nang dumating ang suspek bilang rider at sumakay na ang biktima sa motorsiklo, napansin nitong amoy alak ang rider at sinabi pa ng suspek na nakalimutan niya ang isang helmet sa kanyang tahanan.
Pagdating sa tirahan ng suspek ay agad na nag-counterflow ito sa kahabaan ng Bonifacio Street patungong R10, at pagdating naman sa traffic light ng R10 corner Capulong, Tondo, hininto ng suspek ang kanyang motorsiklo, hinarap ang biktima at malisyosong hinawakan at dinilaan ang dibdib nito at sinabihan ng, “Ang sarap mam noh, hinto na tayo dito sa Moriones,” kung saan ay may malapit na motel sa lugar.
Dito na nanlaban ang biktima at humingi ng tulong sa kanyang kamag-anak. Agad na tinungo ang isang nagpapatrolyang police officer sa lugar at ipinaalam ang insidente, na nagresulta sa pagkakatimbog sa suspek.
Kaagad na dinala sa Gat Andres Medical Center ang suspek para sa medico-legal.
Ang suspek ay iniharap sa Women and Children Protection Desk ng Setyembre 29, habang inihahanda ang mga kaukulang dokumento para sa kasunod na pagsasampa ng reklamong kriminal.

