Calendar
Maraming nagkakasakit dahil sa cold wave
MAGANDANG araw sa lahat ng ating mambabasa, lalo na sa mga kababayan natin sa Japan, Oman, Saudi Arabia.
Nawa’y nasa mabuti at ligtas kayong kalagayan.
Binabati natin sina Ma. Theresa Yasuki, Patricia Coronel, Winger dela Cruz, Glenn Raganas, Mama Aki ng Ihawan, Endo Yumi, La Dy Pinky, Roana San Jose, Josie Gelo,Yoshiko Katsumata, Hiroki Hayashi, at kay Hiroshi Katsumata na patuloy na naka-agapay sa mga kababayan nating Filipino sa Japan.
Binabati rin natin si Joann de Guzman at mga kasama niya sa Oman; Dolores Monfero, Tino Belen, Delia Sunga ng Saudi Arabia.
God Bless!
(Para sa inyong komento at pagbati, mag-text sa +63 9178624484/email:philipreyes08@yahoo.com. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)
••••
Maliban sa revenue generating efforts ng Bureau of Customs (BOC), na pinamumunuan ni Commissioner Ariel F. Nepomuceno, sa taong ito paiigtingin pa nila ang pagsawata sa pagpasok ng mga iligal na droga sa bansa.
Ito ay bilang pagsunod sa “marching order” ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. sa BOC na pangalagaan ang kalusugan ng mamamayang Pilipino.
Huwag natin kalimutan na ang bulto ng mga ipinagbabawal na droga, kasama na ang shabu at high-grade marijuana o kush, sa Pilipinas ay nanggagaling sa labas ng bansa.
Ang maganda lang, talagang mahirap lumusot sa mga ports of entry ang mga illegal drug shipments dahil sa “vigilance” ng mga taga-BOC at iba pang concerned state authorities.
Ito ay kinabibilangan ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), ang law enforcement arm ng Dangerous Drugs Board (DDB), at PNP.
Maraming nakapapasok na mga ipinagbabawal na droga dahil sa mga isla idinadaan ng mga ismagler na gumagamit ng mga maliliit pero matutulin na sasakyang pandagat.
Ang mga dumadaan sa ports of entry ay siguradong makukumpiska ng mga tauhan ng BOC sa tulong ng mga x-ray scanning machines at K-9.
Bago nga mag-Pasko ay nakasakote ang mga taga-Port of Clark sa Pampanga ng dalawang pakete na naglalamanng ecstasy na nagkakahalaga ng P7 milyon.
Galing ng Austria, ang dalawang pakete, na naglalaman ng 4,124 pirasong ecstasy tablets, ay papunta sana ng Davao City.
Dumating ang mga ito sa air express warehouse sa Clark International Airport noong Disyembre 24, bisperasng Pasko.
Nang idaan sa x-ray machines ay nakitaan ang mga ito ng “suspicious images.”
Dito nagpasya ang mga taga-BOC na buksan ang dalawang parcels at bumulaga sa kanila ang mga tableta ng “ecstasy.”
Pinapurihan ni Port of Clark District Collector Jairus S. Reyes ang kanyang mga tauhan dahil sa kanilang ipinakitang “vigilance.”
“Under the direction of Commissioner Ariel F. Nepomuceno, our office remains alert and committed to protecting our borders from illegal drugs,” dagdag ni Collector Reyes.
Commissioner Nepomuceno said the success of the operations “highlights BOC’s unwavering support for President Marcos’ order to safeguard national security and public health.”
***
Marami pa ring umaasa, kasama na tayo, na naabot ng Bureau of Customs (BOC) ang kanilang revenue collection target noong nakaraang taon ng 2025.
Pero kung hindi man naabot ng BOC, hindi naman ibig sabihin na nagpabaya ang ahensya.
Sa totoo lang, ginawa lahat ng mga taga-BOC ang kanilang magagawa para lang maabot o mahigitan ang target collection nila.
Pero talagang wala sa kanilang kamay ang “success o failure” nila dahil kung ano lang ang mga kargamentong dumarating ang pinapatawan nila ng buwis o taripa.
Kung kakaunti ang mga dumarating na importasyon ng mga negosyante ay kaunti rin ang papasok na pera sa kaban ng gobyerno.
****
Dahil sa nararanasang “cold wave” na dala ng northeast monsoon o amihan, maraming nagkakasakit sa bansa.
Karamihan nga ng mga nagkakasakit ay mga bata at matatanda.
Usong-uso ngayon ang trangkaso, sipon, ubo, diarrhea at rayuma.
Sana huwag mawalan ng libreng gamot at bitamina ang iba’t-ibang municipal at barangay health centers sa buong bansa.
Dahil sa sobrang kahirapan, marami ang hindi makapunta kahit sa mga libreng ospital ng gobyerno dahil wala man lang pamasahe.
Kaya kahit nga libre sa mga ospital ng gobyerno ay hindi pa rin makapagpagamot ang mga mahihirap
Minsan kasi, sobra naman kasi ang sinisingil na pamasahe ng mga drayber ng mga tricycle, ang kadalasang sinasakyan sa maraming parte sa bansa.
Kaya mahirap talaga ang maging mahirap!

