QCPD

QCPD bumandera, Best District Office award sinungkit

149 Views

TINANGHAL bilang Best District Police Office ang Quezon City Police District (QCPD) sa ginanap na PNP Day Celebration noong Huwebes sa Camp Crame.

Tinanggap ni P/Col Randy Glenn Silvio, director ng QCPD, ang parangal sa seremonyang pinangunahan ni Executive Secretary Ralph Recto.

Ayon sa QCPD, ang pagkilalang ito ang bunga ng pagpapatupad ng mga programa tulad ng SIT, ISAV System, Warrant Day at District Oplan Bulabog/Galugad, na nagresulta sa pinakamataas na bilang ng mga nahuling wanted persons noong 2025.

Nagpasalamat si P/Col. Silvio sa lahat ng tauhan ng QCPD, mga katuwang na ahensya, mga residente ng Quezon City at kay Mayor Josefina “Joy” Belmonte.