Calendar
Sen. Win sa DSWD: Bagong guidelines sa ayuda ng pamahaan bilisan paggawa
HINIKAYAT ni Sen. Sherwin Gatchalian ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na madaliin ang bagong guidelines sa pamamahagi ng mga programang nagbibigay ng tulong pinansyal bilang pagsunod sa “anti-epal” provision ng General Appropriations Act (GAA).
“Dapat ilabas ng DSWD ang mga alituntunin sa lalong madaling panahon dahil epektibo na ang batas (GAA),” sabi ni Gatchalian.
Dagdag niya, dapat sumalamin ang mga bagong alituntunin sa Section 19 ng GAA na nagbabawal sa pakikilahok ng mga pulitiko sa pamamahagi ng cash at iba pang anyo ng tulong pinansyal.
Sa ilalim ng Section 19, ang lahat ng pamamahagi ng cash assistance at iba pang tulong ay dapat isagawa nang eksklusibo ng mga awtorisadong opisyal at tauhan ng gobyerno o ng mga accredited partners.
“Kailangan ninyong magsagawa ng mga mandatory requirements, protocols at reporting mechanisms.
Kailangan na ng bagong guidelines para malinaw at naka-ayon sa Section 19 ng GAA,” pahayag ni Gatchalian.

