Sotto

Desisyon ng Korte Suprema kinuwestyon ni Sotto

130 Views

KINUWESTYON ni Senate President Vicente C. Sotto III ang desisyon ng Korte Suprema na nagpapahigpit sa proseso ng impeachment at parang binago pa ang Saligang Batas nang walang konkretong batayan.

“Binago yung… inamend ang Constitution sa pananaw ko,” ayon kay Sotto.

Pinalitan ang layunin ng probisyon sa impeachment na ginawang mabilis at direkta ang proseso lalo na sa pamamagitan ng isang-third na lagda ng mga miyembro ng Kamara.

Mahirap nang gamitin ang impeachment bilang kasangkapan sa pananagutan. “Hindi na magagamit. Ang hirap na,” sabi ng senador.

Ipinunto rin niya ang mga pagkukulang ng Korte sa pagwawasto ng dating mga factual errors. “Hindi nila binanggit… hindi nila correct… So it stands, therefore, yung mga factual errors nila,” aniya.

Binatikos ni Sotto ang umano’y tahimik na pag-apruba ng Korte, na wala man lang dissenting opinion o paliwanag sa boto.

“Nakakapagtaka. Baka nga it will take years, mga retirement… bago tayo makakilos,” aniya.

Kinumpirma ng Senate President na maaaring mapalitan si Sen. Imee Marcos bilang tagapangulo ng Senate Committee on Foreign Relations.

Sa usapin ng mga kasalukuyang impeachment complaints, sinabi ni Sotto na kailangang linawin ng Senado at Kamara kung aling panuntunan ang dapat sundin.