RPG

Pamilya ng palpak na hitter ng mayor isinuko RPG sa otoridad

Alfred Dalizon Jan 30, 2026
143 Views

ISINUKO na sa mga otoridad ang paltik na rocket-propelled grenade (RPG) ng pamilya ng isa sa mga nang-ambush kay Mayor Akmad Ampatuan noong Linggo.

Sinabi ni Police Regional Office Bangsamoro Administrative Region director Brigadier General Jaysen de Guzman na isinuko ang RPG ng pamilya ni Rap-Rap, ang umano’y gunman na nakita sa CCTV.

Pinaiimbestigahan na ni Philippine National Police chief Lieutenant General Jose Melencio Nartatez Jr. kung talagang lumipta ng kampo ang hitman kaya ito ang umupak sa mayor pero nakaligtas.

“The RPG has been turned over to the PNP Forensic Group for further examination. So looking at it, we are looking at an improvised RPG.

Kita niyo naman ‘yung itsura eh. May mga parang pipe na binalot at may mga lock na ginawa,” sabi ng official.

Hinahanap pa ang dalawang kasama ng suspek sa pang-ambush na ang isa’y pinaniniwalang sugatan.

Iniutos ni Gen. Nartatez na huwag tigilan ang pagtugis sa 2 pang suspek sa bigong pagpatay.

“Those who believe they can hide behind hired gunmen are mistaken. The PNP will go after the masterminds and dismantle the entire network responsible for this attack,” sabi ni Nartatez.

Ayon kay PNP spokesperson, Brig. Gen. Randulf T. Tuańo, nakasakay sa Suzuki mini-van ang tatlong umupak sa mayor.

“Hindi natin hahayaan na maging ‘Wild West’ ang probinsya. I want a 24/7 visible police presence. We will dismantle the networks that provide these gunmen with high-powered firearms,” he sabi ng spokesman.