PCG

PCG, sumaklolo! 11 sakay ng banca nasagip sa Palawan

184 Views

MATAGUMPAY na nasagip ng Philippine Coast Guard ang 11 sakay ng fishing banca na FBCA Nilda.

Naganap ang insidente sa karagatan malapit sa Pirates Island, Bataraza, Palawan kahapon, Enero 29

Na-distress ang bangka matapos magkaroon ng butas sa hull nito dulot ng masamang panahon at pagpasok ng tubig-dagat

Agad rumesponde ang Coast Guard District Palawan at nagsagawa ng rescue operation

Bandang alas-4:49 ng hapon, parehong araw, ligtas nang naisalba ang lahat ng sakay ng FBCA Nilda.