LP

Mga nagkamit ng karangalan pinarangalan sa LP

Edd Reyes Feb 3, 2026
201 Views

PINARANGALAN sa Las Piñas ang ilan sa mga nagdala ng karangalan sa diwa ng serbisyo, pagmamahal at pagkilala sa husay ng mga Las Piñeros.

Dinaluhan ni Mayor April Aguilar at mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod ang pagpaparangal.

Kabilang sa pinarangalan sina Pietro Lorenzo Gonzalez na dahil sa silver medal win sa 4th Malaysian Fencing Federation Minime International Tournament 2025 sa Under 8 Boys Foil Individual event at Jeralyn Rodriguez na gold medal winner sa 400-meter event sa 17th Southeast Asian Youth Athletics Championship 2025.

Nagtanghal ang mga pulis ng Las Piñas na labis na ikinasiya ng mga dumalo sa programa..

Sa pagsisimula ng Love Month, muling pinagtibay ng pamahalaang lungsod na ang tunay na pagmamahal ay nasusukat sa serbisyong may puso, aksyon at malasakit.