Goitia Si Dr. Jose Antonio Goitia ay Chairman Emeritus ng Alyansa ng Bantay sa Kapayapaan at Demokrasya (ABKD), People’s Alliance for Democracy and Reforms (PADER), Liga Independencia Pilipinas (LIPI), at ng Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY). Siya ay may hawak na Juris Doctor at Doctor of Philosophy (PhD), gayundin ang mga advanced degree na MNSA, MPA, at MBA, bukod pa sa iba.JONJON C. REYES

Goitia: Paninindigan ng PH sa Ayungan Shoal matatag

Jon-jon Reyes Feb 9, 2026
162 Views

PINAALALAHANAN ni Chairman Emeritus Jose Antonio Goitia ang publiko na maging mapanuri sa mga naratibong nagpapahina sa tiwala ng bansa sa batas at sa sariling soberanya.

“Kapag ang pagdududa na walang batayan ay tinatanggap bilang normal,” ani Goitia, “ang pag-iingat ay nagiging anyo na ng pagsuko.”

“Kapag ginagawang komplikado ang malinaw, nagdudulot ito ng kalituhan sa publiko,” ani Goitia.

Mahalagang linawin na ang mga kasunduang internasyonal ay hindi kusang nagpapawalang-bisa ng mga umiiral na batas ng bansa.

Sinabi rin ni Goitia na hindi kailanman naging malabo ang paninindigan ng Pilipinas sa Ayungin Shoal. Ito ay ipinagtatanggol bilang bahagi ng EEZ ng bansa, hindi bilang lupain. Sa ilalim ng UNCLOS, may ganap na karapatan ang Pilipinas na magpatupad ng batas, ipagtanggol ang likas-yaman, at panatilihin ang presensya nito sa loob ng EEZ. Ang mga karapatang ito ay malinaw na pinagtibay ng arbitral ruling noong 2016.

“Hindi kailangang angkinin ang lupa upang ipagtanggol ang karapatan sa dagat,” diin ni Goitia. “Iyan ang mismong prinsipyo ng UNCLOS.”

“Hindi tayo umatras,” ani Goitia. “Pinili natin ang prinsipyo, at ibinagsak ng batas ang mga pag-angking walang ligal na batayan.”

Idiniin ni Goitia na walang batas mula sa Kongreso at walang desisyon ng Korte Suprema na nagpawalang-bisa sa Presidential Decree No. 1596. Gayundin, walang pahayag sa arbitration na may kapangyarihang gawin ito. Ang UNCLOS ay nakatuon sa mga karapatang pandagat, hindi sa pagbura ng mga pambansang batas. Kinilala ng arbitral ruling noong 2016 na ang Ayungin Shoal ay sakop ng EEZ ng Pilipinas, kung saan may malinaw at lehitimong karapatang pandagat ang bansa.