Acidre

Comprehensive package ng reporma para sa higher education pumasa sa 2nd pagbasa sa Kamara

Mar Rodriguez Feb 25, 2026
101 Views

Acidre1Acidre2INAPRUBAHAN na sa ikalawang pagbasa sa Plenaryo ng Kongreso ang panukalang batas kaugnay sa “comprehensive package” para sa mas mataas na edukasyon na inisponsoran ng Chairman ng House Committee on Higher and Technical Education na si TINGOG Party List Rep. Jude A. Acidre.

Sinabi ni Acidre na ang pag-apruba sa nasabing panukala ay isang mahalagang hakbang sa ginagawa nilang pagsisikap para gawing moderno ang pamamahala at i-angkop ang mga prioridad sa mga curriculum kasunod ang pagpapatatag sa mga State Universities and Colleges (SUCs) sa buong bansa.

Sa kaniyang sponsorship speech sa Plenaryo ng Kamara de Representantes, inilarawan ni Acidre ang “comprehensive package” bilang isang estraktural na katugunan patungkol sa matagal ng humahadlang sa mga educational institution na umangkop sa tinatawag na “global competitiveness”.

“Habang nagiging kumplikado at mas competitive ang ating ekonomiya. Hindi maaaring manatiling hindi nagbabago ang sitema ng mas mataas na edukasyon. Kailangan nating alisin ang mga nagsisilbing hadlang sa ating edukasyon,” ayon kay Acidre.

Sabi pa ng kongresista na sentro ng isinulong nitong educational package” ang reporma sa ilalim ng House Bill No. 5019 na inaprubahan sa pamamagitan ng Committee Report No. 104 na ang main author ay sina dating House Speaker at kasalukuyang Leyte Rep. Ferdinand Martin G. Romualdez.

Inaprubahan ng House Bill No. 5019 ang Section 5(3) ng Republic Act No. 9225 upang pahintulutan ang paghirang ng mga guro, researchers at administrator na may dalawang citizenship (dual citizenship) sa mga public higher education.

“The bill expands the pool of academic leaders and opens the door for globally trained Filipinos to serve in SUCs without unnecessary legal barriers. Complementing this governance reform are curriculum measures designed to strengthen both practical competencies and civil foundations,” wika pa ni Acidre.