Boga

Boga pinaputok, nagpaputok nadakip

115 Views

ARESTADO ng mga pulis noong Biyernes ang umano’y lasing na obrero na nagpaputok ng baril sa Brgy. Rillo, Tuy, Batangas.

Naaresto ng mga tauhan ng Tuy police ang suspek na si alyas Onnie, 40, matapos makatanggap ng-ulat na ang suspek ay walang pakundangang nagpaputok ng baril sa isang bakanteng lote katabi ng kanilan bahay.

Nahuli ang suspek na papaalis na sakay ng itim na traysikel.

Nakuha sa suspek ang isang cal .22 magnum revolver na may tatlong bala.

Nakakulong sa custodial facility ng Tuy police para sa tamang disposisyon.