Sandro1

Pag-apruba ng Kamara sa Presidential Merit Scholarship Program bill pinapurihan ni Rep. Martin Romualdez

Mar Rodriguez Mar 18, 2026
129 Views

MartinPINAPURIHAN ni dating House Speaker at kasalukuyang Leyte 1st District Rep. Ferdinand Martin G. Romualdez ang pag-apruba ng Kamara de Representantes para sa ikatlo at huling pagbasa ang “consolidated” na panukalang batas na nagtatatag ng Presidential Merit Scholarship Program.

Sinabi ni Romualdez, Presidente ng Lakas-CMD, na layunin ng naturang programa na palawakin ang access sa de-kalidad na edukasyon para sa magtatapos ng senior high school students hindi lamang mula sa mahihirap na pamilya kundi pati ang mga mag-aaral na kapos ang pamilya sa pananalapi.

“The program aims to widen access to quality education of graduating senior high schools students not only from poor families but from other financially-challenged and middle class households as well,” ang naging pahayag ni Romualdez.

Ang House Bill No. 5763 na isinulong ni Romualdez ay isinama sa consolidated measure o pinagsama-samang panukalang batas na pangunahing inakda ni House Majority Leader at Ilocos Norte 1st District Rep. Ferdinand Alexander “Sandro” A. Marcos.

Ang programang ito, ipinaliwanag pa ni Romualdez ay magbibigay ng malaking tulong pinansiyal sa mga itinuturing na “cream of the crop” o pinaka-magaling na estudyante sa senior high school at pinaka-matalinong propesyunal na maaaring maging susunod na lider ng ating bansa sa mga darating na panahon.

“The program will extend substantial financial assistance to the cream of the crop in senior high school. Hopefully, we can produce the best and the brightest professionals who can be our country’s future leaders among these graduating senior high school students,” sabi pa ni Romualdez kaugnay sa panukala.

Umaasa ang Leyte congressman na pipiliin ng mga benepisyaryo ng nasabing programa ang kurso sa kolehiyo na “in-demand” o mabilis na makakahanap ng trabaho sa loob at labas ng ating bansa para agad na makatulong sa kanilang pamilya.