Calendar
Pagharap ni VP Sara sa Senado hinihintay na ng taumbayan
MASAGANANG araw sa lahat ng ating mambabasa, lalo na sa Japan at Gitnang Silangan.
Binabati natin sina Ma. Theresa Yasuki, La Dy Pinky, Patricia Coronel, Hiroki Hayashi, Tata Yap Yamazaki, Mama Aki , Endo Yumi, , Lorna Pangan Tadokoro, Winger dela Cruz, Yoshiko Katsumata, , Roana San Jose at Hiroshi Katsumata, ang kaibigan ng mga Pinoy sa Japan.
Ganun din kay Joann de Guzman at iba pang OFW natin sa Oman.
Nawa’y nasa mabuti at ligtas kayong kalagayan.
***
Tuloy-tuloy ang magandang revenue collection performance ng Bureau of Customs (BOC) sa gitna ng kaliwa’t-kanang problema na kinakaharap ng mundo, kasama na ang Pilipinas.
Ito’y nagpapakita lamang ng dedikasyon sa trabaho ng “men and women in customs uniform” sa pangunguna ni Commissioner Ariel F. Nepomuceno, isa sa paboritong anak ng Malabon City.
Mula Enero hanggang Abril 2026 ay nakakolekta ang BOC ng P325.808 bilyon. Ang BOC revenue target sa apat na buwan ay P314.660 bilyon.
Ayon sa BOC, na nasa ilalim ng Department of Finance (DOF),“this reflects a growth of P19.729 billion or 6.4 percent compared to the same period in 2025.”
Naitala din ng BOC ang pinakamalaking April na umabot ng P86.400 bilyon.
Ang target koleksyon sa nasabing buwan ay P78.600 bilyon lamang.
Matatandaan na ang BOC ay under strict orders mula sa Pangulong Marcos at DOF Secretary Frederick D. Go “to strengthen fiscal performance.”
Bilang pagsunod sa direktiba, patuloy na nagsasagawa ang BOC ng mga repormang naglalayong ma-enhance ang efficiency, transparency at trade facilitation.”
Sinabi nga ni Commissioner Nepomuceno na ang magandang revenue collection performance ng ahensya “reflects the discipline, integrity and consistency of our response across all ports.”
Dagdag niya: “Even in the face of global uncertainties and policy shifts that affect our revenue base, we continue to deliver results that directly support government programs and national development.”
***
Kamakailan ay pinangunahan ni Customs Commissioner Ariel F. Nepomuceno ang inspeksyon sa mga nakaimbak na misdeclared, regulated at prohibited goods sa Port of Manila (POM).
Nagkakahalaga ng P136.29 milyon, ang mga produkto, na naka-consigned sa isang construction supplies trading company, ay nakalagay sa 25 containers na galing ng China.
Ang mga containers ay idineklarang naglalaman ng plastic racks.
Pero nang buksan ang mga containers ay naglalaman pala ang mga ito ng iba’t ibang undeclared items na kagayang bigas at asukal.
May mga laman ding intellectual property infringing rights (IPI) goods at used clothing (ukay-ukay).
Ang iba pang laman ng 25 containers ay electronics, pharmaceutical products, foodstuff at unlabeled/unregistered cosmetic items.
Ayon kay BOC Commissioner Ariel F. Nepomuceno: “This is the kind of abuse we are determined to stop. When shipments are deliberately misdeclared, it not only deprives the government of rightful revenues – it also puts Filipino consumers and legitimate businesses at risk,
Sinabi naman ni POM District Collector Rizalino Jose Torralba na determinado ang nasabing port of entry na pigilan ang pagpasok sa bansa ang lahat ng illicit goods.
***
Hinihintay na ng taumbayan ang pagsisimula ng impeachment trial ni Bise Presidente Sara Z. Duterte sa Senado.
Sa totoo lang, mas tinututukan pa ng publiko ang napipintong pagharap ni Inday Sara sa mga senador kesa sa nangyayari sa Middle East.
Gusto na ng mga kababayan natin kung paano sasagutin ni Vice President Duterte ang mga seryosong kasong nakapaloob sa articles of impeachment.
Bitin na bitin ang marami dahil hindi man lamang humarap si VP Sara sa mga pagdinig na isinagawa ng House of Representatives.
Ayon pa kay VP Sara, sa Senado na lang siya at ang kanyang mahigit na isang dosenang abogado haharap.
Sa tingin ng marami ay sinayang lang ni Ms. Duterte ang pagkakataong ibinigay sa kanya ng mga kongresista para sagutin ang mga bintang sa kanya.
Abangan!
Para sa inuong komento at pagbati,ag-text sa # 0917-8624484/email:philipreyes08@yajoo.com.)
