Vic Reyes

BOC well-prepared, well-equipped vs smugglers

Vic Reyes Oct 7, 2026
126 Views

MAGANDANG araw sa lahat ng ating mambabasa, lalo na sa mga kababayan natin diyan sa Japan.

Nawa’y nasa mabuti kayong kalagayan at kalusugan.

Binabati natin sina Ma. Theresa Yasuki, Patricia Coronel, Aimi Houchii, La Dy Pinky, Chato Coronel, Yoshiko Katsumata, Endo Yumi, Roana San Jose, Hiroki Hayashi, Winger dela Cruz, at si Hiroshi Katsumata.

Ganun din kay Joanne de Guzman at iba pang OFW natin sa Oman at Jess Manuel ng Saudi Arabia.

***

Ang ismagling ay nananatiling isa sa mga mabibigat na problema sa buong mundo, kasama na ang ating bansa.

Malaki ang epekto nito sa ekonomiya, kabuhayan ng mga tao, negosyo, kalusugan at seguridad ng bansa.

Alam ito ni Commissioner Ariel F. Nepomuceno ng Bureau of Customs (BOC).

Ang ahensiyang ito, na nasa ilalim ng Department of Finance (DOF), ay nasa “forefront ng nationwide campaign against smuggling.”

Pero ang kampanyang ito ay nangangailangan ng tinatawag na “whole-of-government approach,” ayon kay Nepomuceno.

Mahalaga ang papel ng “information sharing” o pagbabahagi ng impormasyon para magtagumpay ang kampanya laban sa ismagling.

Sa isang pahayag, sinabi ng BOC: “The effective enforcement and successful prosecution of offenders depend on close coordination among government agencies and timely access to records and data.”

Sa administrasyon ni Commissioner Nepomuceno, mananatiling committed ang BOC na makipagtulungan sa Office of the Ombudsman, Department of Justice at ibang partner-agencies.

Ang mga ahensiyang ito ay kinabibilangan ng Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines, local government units, at Philippine Coast Guard.

“BOC supports lawful requests for information and is strengthening its systems and processes to further improve cooperation and information in accordance with existing rules and regulations,” ayon kay Commissioner Nepomuceno.

Tama si Nepomuceno, ang ismagling ay isang hamon na nangangailangan ng nagkakaisang “government response.”

Hindi ba, Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Finance Secretary Frederick Go?

***

Paala-ala sa mga nagpapasok ng mga iligal na droga sa bansa.

Tigilan niyo na ang mga ginagawa ninyo dahil “well-prepared and well-equipped” ang mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa iba’t-ibang ports of entry.

Kaya hindi na tayo nagugulat kung nakakasakote ang mga taga-BOC ng mga iligal na droga na nanggagaling sa labas ng bansa.

Noon ngang Martes, Oktubre 6, ay ini-report ng BOC ang pagkaka-intercept ng 4,140 gramong ketamine sa Port of Clark.

Ang ketamine, na nagkakahalaga ng P20.7 milyon, ay nanggaling sa Amsterdam, The Netherlands at bound for Valenzuela City.

Ang shipment, na idineklarang naglalaman ng “Ceramic Compact Fan,” ay dumaan sa regular na customs clearance procedures.

Pero na-flag ang shipment pagkatapos na makitaan ito ng “suspicious images” nang dumaan sa screening ng X-ray Inspection Project (XIP).

Nang buksan ang shipment ay may nakitang pitong transparent plastic bags “filled with white crystalline substance suspected to be ketamine weighing 4,140 grams.”

“Initial screening using a spectrometer yielded a ‘Special K reading,’ indicating the possible presence of ketamine,” ayon sa report ng BOC.

Ang mga kinuhang l samples ay ibinigay sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) “for laboratory analysis and confirmatory testing.

Isinagawa ang operation sa pagtutulungan ng Enforcement and Security and Services-Customs Anti-Illegal Drug Task Force, Customs Intelligence and Investigation Service at BOC-XIP.

Pinapurihan ni District Collector Jairus S. Reyes ang kanyang mga tauhan dahil sa kanilang vigilance at pakikipagtulungan sa mga personnel ng partner-agencies.

(Para sa inyong pagbati at opinyon, mag-text sa numero: +63 9178624484)