Calendar
Sino sa mga senator-judges ang mapagkakatiwalaan ng taumbayan?
MALIGAYANG araw sa lahat ng kababayan natin sa Japan at iba pang panig ng daigdig.
Nawa’y nasa mabuti at ligtas kayong kalagayan.
Binabati rin natin sina Ma. Theresa Yasuki, Roana San Jose, Patricia Coronel, La Dy Pinky, Mama Aki ng Ihawan, Glenn Raganas, Winger dela Cruz, Yoshiko Katsumata, Josie Gelo, Endo Yumi, Hiroki Hayashi, at kay Hiroshi Katsumata.
Binabati rin natin si Joann de Guzman at mga kasama niya sa Oman; Dolores Monfero, Delia Sunga ng Saudi Arabia.
God Bless sa inyong lahat!
***
Patuloy ang magandang performance ng Port of Batangas na pinamumunuan ni District Collector Carmelita “Mimel” S. Manahan-Talusan lalo na sa larangan ng revenue collection.
Mismong si Customs Commissioner Ariel F. Nepomuceno ay saludo sa mga repormang ipinapatupad ni Collector Mimel.
Anak ni dating Deputy Commissioner (Depcom) Julie S. Manahan, si Collector Talusan ay kilala sa kanyang pro-active at data-driven approaches.
Sa ilalim ni Collector Mimel, ang Port of Batangas “is known for its early coordination with shipping lines and importers, strict monitoring of valuations system.”
Sinabi nga ni Commissioner Nepomuceno na ang mga ipinapatupad na policies sa nasabing port of entry “have significantly improved revenue collection and minimized leakage.”
Kaya nga sa unang quarter ng taon ay umabot ng P59.14 bilyon ang koleksyon ng Port of Batangas kumpara sa target na P58.75 bilyon.
Tumataginting na P398 milyon ang surplus ng POB mula Enero hanggang Marso.
Noong buwan ng Marso ay umabot ng P22.21 bilyon ang tax collection ng POB kumpara sa target nito na P19.16 bilyon.
Pinuri din ni Commissioner Nepomuceno ang malakas na stakeholders engagement, kasama na ang “consultative meetings, recognition of top importers, and the promotion of compliance programs.”
“Its innovative strategies, strong partnerships, and commitment of integrity demonstrate how operational efficiency can translate into meaningful results to the bureau and country,” dagdag pa ni Nepomuceno.
Keep up the good work, District Collector Mimel M. Talusan!
***
Noong Mayo 6 ay nagsagawa ng interdiction operation ang Bureau of Customs (BOC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ang operasyon ay isinagawa ng BOC-NAIA sa Customs Inspection Area ng International Arrival Area ng NAIA Terminal 1 sa Pasay City.
Dalawang Filipinang pasahero na galing ng Cambodia ang inaresto ng mga otoridad dahil sa pagdadala ng shabu na nagkakahalaga ng P56.6 milyon.
Ang 8,324 na gramo ng white crystalline substances ay nakalagay sa dalawang “improvised pouches made of carbon paper and packing tape.”
Isinama ang illegal substances sa coffee powders, assorted coffee packs at personal belongings para itago ang mga ito.
Pinapurihan ni Commissioner Customs Commissioner Ariel F. Nepomuceno ang BOC-NAIA at partner agencies sa kanilang mahigpit na pagbabantay sa premier airport ng bansa.
“The successful interdiction reflects our strengthened border protection measures and sustained coordination with our partner-agencies,” ayon kay Nepomuceno.
Ang mahigpit na pagbabantay sa borders ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na pigilan ang pagpasok sa bansa ng iligal drugs.
Ito ay para masiguro ang kalusugan at well-being ng taumbayan, ayon kay BOC-NAIA District Collector Yasmin O. Mapa.
***
Dapat madala na sa Senado ang Articles of Impeachment laban kay Vice President Sara Z. Duterte.
Ito ay para masimulan na ang impeachment trial ng Bise Presidente.
Nais malaman ng publiko, lalo na ng mga botante, kung sinu-sino ang mga Senador na ayaw matanggal sa puwesto si Inday Sara.
Ito’y para may basehan ang mga botante kung sino ang iboboto sa 2028 presidential election .
Labindalawa sa 24 senator-judges ang kakandidato sa 2028 election. Babantayan ng taumbayan kung paano umasta ang mga senador na ito.
Ang mga kakandidato sa darating na eleksyon ay sina Senador Allan Peter Cayetano, JV Ejercito, Francis Escudero, Jinggoy Estrada, Sherwin Gatchalian, Risa Hontiveros, Loren Legarda, Robin Padilla, Raffy Tulfo, Joel Villanueva, Mark Villar at Migz Zubiri.
Sino kaya sa kanila ang dapat pang pagkatiwalaan ng taumbayan?
(Para sa inyong komento at pagbati, mag-text sa #09178624484/email:philipreyes08@yahoo.com.)
