Dolphy

Advance screening ng Home Along Da Riles dinaluhan ni Vandolph, Nova Villa

Edd Reyes Jun 4, 2026
35 Views

NAGKAROON ng advance screening ang lumang palabas na “Home Along Da Riles: The Reunion” sa Metropolitan Theater noong Lunes sa Maynila.

Dumalo sa advance screening sina Vandolph Quizon, Boy 2 Quizon, Nova Villa, Cita Astals, Maybelline Dela Cruz, Gio Alvarez at Claudine Barretto.

Ayon kay Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno” Domagoso, minahal hindi lamang ng sambayanang Pilipino ang palabas lalo na ng mga taga-Maynila dahil sa “batang Tondo” peg ng pelikula.

Nararapat lamang parangalan si Dolphy, ang star ng palabas, sa MET, dahil sa mga ambag sa pelikula ng artistang dating kilala sa vaudeville performances.

Mapapanood sa mga sinehan simula Hunyo 16 ang palabas.