Missing4 Ang missing person na natagpuang bangkay ng biktima na palutang lutang sa ilog pasig malapit sa Seawall ng baseco sa Port Area Manila..

NAWAWALANG ACCOUNTANT NAKITANG BANGKAY NA LUMULUTANG

Jon-jon Reyes Jul 12, 2026
27 Views

Missing1Missing2Missing3Missing4BANGKAY na nang matagpuan palutang-lutang sa Pasig River ang isang 29-anyos na lalaking accountant na unang naulat na nawawala.

Ang bangkay ay natagpuan Huwebes ng madaling araw malapit sa seawall ng Block 15 sa Barangay 649, Baseco Compound, Manila.

Nakilala ang biktima na si alias Angelo, tubong Paranaque, binata, accountant, at huling nanirahan sa H. P. Gomez Street, Barangay Pamplona 1, Las Piñas City.

Ayon sa report ng pulisya, bandang 3:40 ng madaling araw nang makatanggap ang mga otoridad ng tawag sa telepono ukol sa insidente.

Nagsagawa ng paunang imbestigasyon ang mga tauhan mula sa Police Station 13 sa pamumuno ni PMSg Bob John R. Lolong.

Ang biktima nakasuot ng shirt na may guhit na puti at asul, itim na shorts at walang sapin sa paa. Walang nakitang mga sugat sa kanyang katawan.

Ang insidente ay ipinaabot din sa Baseco Police Station na nasa ilalim ni Police Lieutenant Colonel Rommel Anicete.

Lumabas sa karagdagang imbestigasyon na tila tinangay ng agos ang biktima mula sa ibang lugarlar hanggang mapadpad ito sa lugar kung saan ito natapuan.

Agad na ipinaalam sa pamilya ng biktima ang insidente, lalo pa’t nauna nang naiulat na nawawala ang biktima. Kinumpirma ng mga kamag-anak na ang bangkay ay ang kanilang nawawalang kapamilya.

Bukod dito, lumabas sa impormasyong nakalap sa imbestigasyon na may pinagdadaan ang biktima ng mga suliraning may kaugnayan sa kanyang trabaho.