Vic Reyes

Cargo operations sa BOC-NAIA balik normal na

Vic Reyes Sep 2, 2026
24 Views

MALIGAYANG araw sa ating mga tagasubaybay, lalo na sa mga kababayan natin sa Japan.

Nawa’y nasa mabuti at ligtas kayong kalagayan.

Binabati natin sina Ma. Theresa Yasuki, Mama Aki ng Ihawan, Glenn Raganas, Patricia Coronel, La Dy Pinky, Endo Yumi, Roana San Jose, Winger dela Cruz, Yoshiko Katsumata, Josie Gelo, Hiroki Hayashi, at Hiroshi Katsumata.

Binabati rin natin si Joann de Guzman at mga kasama niya sa Oman; Dolores Monfero, Delia Sunga ng Saudi Arabia.

God Bless sa inyong lahat!

***

“I am happy to declare officially that the NAIA Port congestion is over.”

Ito ang magandang ibinalita ni Commissioner Ariel F. Nepomuceno ng Bureau of Customs (BOC) noong nakaraang Biyernes, Agosto 28.

Balik normal na ang cargo operations sa BOC-Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ang puerto na isang major port ay pinamumunuan ni District Collector Ma. Yasmin Obillos-Mapa.

Bilang isang “major port,” ang pagsisikip o congestion sa BOC-NAIA ay isang dahilan kung bakit “adversely affected” ang cargo operations.

Ayon sa report, ang port congestion ay naiayos na dahil sa coordinated efforts ng BOC-NAIA, People’s Air Cargo and Warehousing Co. Inc. (PairCargo) at stakeholders.

Nagtulong-tulong ang mga ito para masiguro ang “smooth and timely movement of shipments.”

“Measures included the expedited processing and movement of shipments, close monitoring of warehouse conditions, and the immediate resolution of operational concerns,” ayon sa pahayag ng BOC.

Pinapurihan ng industry leaders ang mga taga-BOC dahil sa kanilang mabilis na pag-aksiyon sa mga problema sa NAIA.

Ang mabilis na aksiyon ng BOC “allowed us to clear 99 percent of those critical shipments within days,” ayon kay Ralph Morales.

Si Morales ay ang country director for government relations and public affairs ng Texas Instruments Philipines.

Pinuri din ng Semiconductor and Electronics Industries in the Philippines Foundation, Inc. (SEIPI) ang swift response ng gobyerno “in protecting the country’s manufacturing sector.”

“We offer our sincerest appreciation to the BOC, DOF, PEZA and to all government agencies and industry partners, and of course PairCargo for addressing the congestion issue,” sabi ni Cristjan Bael ng SEIPI.

Hinikayat naman ni Customs Commissioner Ariel F. Nepomuceno ang mga businesses na ipaalam kaagad ang kanilang mga operational concerns.

“Let us know what bothers you. Let us know what will make your businesses improve or thrive. I assure you, we will do our best to resolve your issues,” pangako ni Commissioner Nepomuceno.

***

Muling pinatunayan ni Customs Commissioner Ariel F. Nepomuceno ang kanyang pagmamahal at malasakit sa kanyang mga tauhan at kanilang mga dependents.

Kasama rin ang mga tinatawag na BOC retirees at ang kanilang mga mahal sa buhay.

Sa isang kasunduan, pumayag ang Medical Center Manila, Inc. (ManilaMed) “to provide healthcare privileges and priority medical services for active personnel, retirees and their qualified dependents.”

Sa ilalim ng kasunduan, ang mga empleyado ng BOC at retirees ay mabibigyan ng discounted rates on medical services.

“Benefits include a five percent discount on outpatient services and 10 percent discount on emergency room treatments and in-patient hospitalization,” ayon sa BOC.

Pumayag din ang ManilaMed na maglagay ng express lane service para sa mga taga-BOC.

Ang BOC-ManilaMed agreement ay pinirmahan noong Agosto 27.

Ang memorandum of agreement (MOA) ay nilagdaan nina BOC Deputy Commissioner Raul S. Nagrampa at ManilaMedPresident Dr. Eduardo S. Eseque.

Ang BOC-ManilaMed agreement ay nagpapakita ng determinasyon ng pamunuan ng BOC na pangalagaan ang kalusugan ng mga miyembro ng BOC community.

Hindi lang ang pangongolekta ng buwis at paghabol sa mga ismagler ang ginagawa nina Commissioner Nepomuceno.

Inaalagaan din nila ang kanilang mga empleyado at retirees at ang kanilang mga dependents.

***

Grabe ang nagyaring malawakang pagbaha sa maraming parte ng Luzon.

Maraming nasirang pananim, bahay at government instructures.

Helpless talaga ang mga tao gawa ng kalikasan.

Dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan, maraming lugar ang binaha na nagresulta sa pagsasara ng mga opisina at eskuwelahan.

Ilang tulay ang nasira at nagresulta sa matinding hirap ng mga commuters.

Ang pagbaha sa NLEX-San Simon sa Pampanga ay nagdulot ng mahabang trapik na umabot ng tatlong kilometro. Inabot naman ng halos siyam na oras ang biyahe sa loob ng NLEX.

Nakakapanlumo, ni walang opisyal na pahayag ang pamunuan ng NLEX.

(Para sa inyong komento at pagbati, mag-text sa: +63 9178624484/ email:philipreyes08@yahoo.com.)