Calendar
‘Confrontation’ sa Bulacan ‘isolated case’
HINDI na mawawala sa gobyerno, nasyonal, lokal o barangay, ang mga lingkod-bayan na naliligaw ng landas.
Sila ang dahilan kung bakit sumasama ang imahe ng gobyerno sa mata ng taumbayan na bumubuhay sa kanila.
Sa totoo lang, lahat ng tao, kasama ang mga bagong silang na bata, ay may binabayarang buwis sa gobyerno.
Pati nga gatas ng mga sanggol na binibili sa supermarkets at sari-sari stores ay ipinagbabayad ng buwis.
Ang mahalaga lang, hindi naman kinukunsinti ng mga hepe ang maling ginagawa ng kanilang mga opisyal at tauhan.
Hindi rin nila hinahayaan na masira ang magandang working relationship sa kanilang partner-agencies.
Sa tingin nga natin ay nasa tamang landas si Commissioner Ariel F. Nepomuceno ng Bureau of Customs (BOC) nang sabihin niyang isa lamang “isolated case” ang nangyaring “confrontation” sa Sta, Maria, Bulacan.
Ang sangkot sa nasabing “confrontation” ay mga personnel ng BOC-Port of Subic at miyembro ng Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG).
Ayon sa report, ang mga taga-Port of Subic ay nagsasagawa ng pagsira ng illicit cigarettes sa Bulacan nang pumasok sa lugar ang mga tauhan ng PNP-HPG.
Iniimbestigahan na ng mga otoridad ang insidente.
Pero niliwanag na Commissioner Nepomuceno na siya ay “firmly in support” sa kanyang mga tauhan na “in the lawful performance of their duties.”
Dagdag pa niya: “BOC personnel must be accorded due respect, professionalism, and proper treatment at all times consistent with established inter-agency protocols.”
Pinapurihan din ni Nepomuceno, ang liderato ng PNP dahil sa “swift action” sa insidente.
Ayon pa sa ulat, 13 PNP-HPG personnel ang agad na ni-relieve at pansamantalang itinalaga sa PNP personnel division.
Tama si Commissioner Nepomuceno na pabayaang gumugulong ang imbestigasyon sa insidente.
Kung sino man ang may kasalanan, dapat lang na managot sa batas.
Pero ang mahalaga, huwag maapektuhan ang magandang ugnayan ng BOC at PNP.
Malaking tulong ang nagagawa ng kapulisan sa kampanya ng BOC laban sa ismagling at iba pang law enforcement activities.
“The BOC does not intend for this isolated incident to overshadow the strong partnership between the two agencies,” sabi pa ni Nepomuceno.
Naniniwala tayo na patuloy na magtutulungan sina Commissioner Ariel F. Nepomuceno at PNP chief Gen. Jose Melencio “Tateng” Nartatez Jr.
Tama ‘yan, hindi ba Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta-Marcos?
***
Sa Martes, September 1, ay simula na ng mahabang Christmas Season sa Pilipinas.
Kaugnay nito, inaasahang mas sisigla ang dating ng nga shipments sa aduana.
At siyempre, more shipments, more money ang papasok sa kaban ng Bureau of Customs (BOC).
Kaya naman natutuwa ang “Waterfront Community” dahil siguradong tataas pa ang nakokolektang buwis at taripa.
Malaking tulong ito para maisulong ang mga proyekto at programa ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Dapat all-work na ang mga lingkod-bayan para matapos ang mga programa ng administrasyon.
Isa pa, sana matapos na rin ng Senado ang ginagawang impeachment trial ni Bise Presidente Sara Duterte.
Puwede ba, mga senator-judges?
(Para sa komento at pagbati, mag-text sa 0917-8624484, email: philipreyes08@yahoo.com.)

