Calendar
Nepomuceno zero tolerance sa agri smuggling
MAPAGPALANG araw sa lahat ng ating mambabasa, lalo na sa mga kababayan natin sa Japan, Oman, at Saudi Arabia.
Nawa’y nasa mabuti at ligtas kayong kalagayan.
Binabati natin sina Ma. Theresa Yasuki,
Patricia Coronel, Hiroki Hayashi, La Dy Pinky, Winger dela Cruz, Endo Yumi,
Mama Aki ng Ihawan, Glenn Raganas, , Roana San Jose, Josie Gelo,Yoshiko Katsumata, at Hiroshi Katsumata.
Binabati rin natin si Joann de Guzman at mga kasama niya sa Oman; Dolores Monfero, Tino Belen, Delia Sunga ng Saudi Arabia.
God Bless!
***
Malaking bahagi sa mahigit na 115 milyon na populasyon ng Pilipinas ay mahihirap na magsasaka, mangingisda at iba pang nagtatrabaho sa bukid, kasama na ang mga umaasa sa agrikultura para sa kanilang livelihood.
Mabuti na lang at nandiyan sina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, Finance Secretary Frederick D. Go at Customs Commissioner Ariel F. Nepomuceno.
Sila ang mga lingkod bayan na nagtulong-tulong para matigil ang agricultural smuggling sa ating bansa.
Kasama din sa anti-smuggling campaign ang partner agencies na kagaya ng Philippine National Police, Philippine Coast Guard, Philippine Navy, National Bureau of Investigation at local government authorities.
Kapag kasi hindi natigil o mabawasan man lang ang pagpupuslit ng mga produktong agrikutura, maraming magugutom na kababayan natin.
Mas mabibili kasi ang mga puslit na produkto, na kagaya ng isda, gulay at karne, dahil mas mura ang mga ito.
Wala silang binabayarang buwis o taripa kaya puwede itong ibenta sa mas mababang halaga.
Kamakailan ay ipinangako ni Commissioner Nepomuceno na lalo pa nilang paiigtingin ang kampanya laban sa agricultural smuggling.
Sa harapan ng mga miyembro ng MAGSASAKA Party-list ay mariing sinabi ni Nepomuceno: “Habang ako ang nakaupo sa Bureau of Customs, zero tolerance tayo sa ismagling.”
Dagdag niya: “Pero kung may magtatangkang lumabag sa batas, hahabulin at pananagutin natin sila.”
Umani ng masigabong palakpakan ang mga pahayag ni Commissioner Nepomuceno, na isa sa paboritong anak ng Malabon City.
May standing order si Pangulong Marcos sa BOC at partner-agencies nito na lalong pagbutihin ang pangongolekta ng buwis, bawasan ang korapsyon at ituloy ang customs modernization.
Malaki ang maitutulong ng modernization para magtagumpay ang mga programa at proyekto ng ahensya.
Ang nasabing pulong ng MAGSASAKA Party-list ay dinaluhan din ng mga lider magsasaka at mangingisda mula Central Luzon.
Sila ay galing ng Pampanga, Bataan, Aurora, Tarlac, Zambales, Nueva Ecija at Bulacan.
Tama ‘yan, Commissioner Ariel, hindi dapat pabayaan ang mga nagtatrabaho sa agriculture industry, lalo na ang mga magsasaka at mangingisda.
***
Patuloy ang ginagawang pagsira ng Bureau of Customs (BOC) sa mga forfeited at abandonadong produkto sa mga pantalan.
Dapat lang talaga na sirain ang mga ito dahil makasasama sa kalusugan ng publiko kung maipagbili sa merkado.
Kamakailan ay nagsagawa ng condemnation operations ang BOC-Port of Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Nagkakahalaga ng P1.45 milyon, ang mga produkto ay nanggaling sa iba-ibang bansa.
Ito ay kinabibilangan ng vape products. Dysfunctional equipment, foodstuffs, pharmaceutical products, cosmetics at iba pang general merchandise.
“These products were subjected for condemnatlon for violations of Republic Act Nos. 11900 at 10863,” ayon sa BOC.
Sinabi naman ni BOC-Port of NAIA District Collector Ma. Yasmin Obillos-Mapa na nananatiling determinado ang kanyang distrito na i-disposed ang mga forfeited at abandoned shipments.
Ayon sa observers, tama ito para huwag magkaroon ng pagsisikip sa Port of NAIA.
Lalo na’t dumarating na ang mga Christmas items na kinahuhumalingan ng ating mga kababayan.
Bukas, September 1, ay magsisimula na ang Christmas Season sa Pilipinas.
(Para sa komento at pagbati, mag-text sa #0917-8624484/email; philipreyes08@yahoo.com.)

