Calendar
Kinilala ni PBGen. Arnold Thomas Ibay ang suspek sa pangagahasa na natimbog sa San Jose, Negros Oriental.JONJON C. REYES
Binata kulong sa 4 na bilang ng rape sa Negros Or.
HIMAS rehas na bakal ang isang 40 anyos na binata matapos matimbog ng mga operatiba ng San Jose Municipal Police Station- NOrPPO dahil sa kasong qualified rape (apat na bilang) , makaraang maispatan noong Martes ng umaga sa kahabaan ng Brgy. Azagra, Tanjay City, Negros Oriental..
Nakilala ang suspek na si “Arvin” at may mga alyas na “Tatot” “PAPA NGA OPAW” “BALLD PAPA”, residente ng Brgy. Jilocon, San Jose, Negros Oriental, at kabilang sa talaan ng Top 1 MWP sa Provincial at Municipal ng Negros Oriental.
Ayon sa report na natangap ni PBGen.Arnold Thomas Ibay Regional Director ng Negros Island Region,bandang alas 10:44 ng umaga ng isinagawa ang pag-aresto ng tracker team ng San Jose MPS, sa pangunguna ni PCapt. Renette Joy G. Jumuad, OIC, kasama ang mga tauhan ng PIU NOrPPO sa pangunguna naman ni PLT.Col.Florendo L Fajardo.
Sa isinagawang operasyon nagtungo, ang mga pulis sa Brgy. Azagra, Tanjay City, Negros Oriental, para isilbi ang warrant of arrest laban sa akusado dahil sa paglabag sa apat na bilang ng qualified rape matapos mag isyu si Judge Ethyl B. Eleccion -Vidal, ng Regional Trial Court ng Negros Oriental, 7th Judicial Region, Branch 17-FC, Tanjay City, Negros Oriental na may petsang Setyembre 30, 2025. Dahil dito walang inirekomendang peyansa laban sa suspek,.
Agad naman nagpaabot ng pasasalamat at papuri si General Ibay sa kanyang mga kapulisan dahil sa mapayapang pag aresto sa suspek.
‘Nananatili ang pag-papairal at pagpapatupad ng mga operation laban sa mga kriminal ,upang masiguro ang kaligtasan ng bawat mamayan sa aming nasasakupang rehiyon,’

