Pampanga, Basilan, Quezon hindi nagpa-awat
Jun 20, 2025
PRAs hinimok na wag muna magpapadala ng OFW sa ME
Jun 19, 2025
Calendar

Overseas Filipino Workers
Dagdag proteksyon, benepisyo sa mga PH seaman ipinabunyi ni Lapid
Peoples Taliba Editor
Sep 28, 2024
275
Views
PINAGBUNYI ni Senador Lito Lapid ang paglagda ni Pang. Bongbong Marcos Jr. sa Magna Carta of Seafarers sa Malacañang.
Ayon kay Lapid, ang batas ay makapagbibigay ng dagdag na proteksyon at nagtatakda ng patas na sahod at benepisyo para sa mga ating mga kababayang magdaragat.
Layunin din anya nito na ang bawat Filipino seafarer ay sumailalim sa training and development na akma sa international standards.
Giit ni Lapid, malaking hakbang ito para sa pangangalaga sa mahigit sa 600,000 Pilipinong marino sa buong mundo na karamihan ay nahaharap sa panganib sa paglalakbay at pang-aabuso ng ilang shipping company.
Si Lapid ay isa sa co-author ng Magna Carta of Filipino Seafarers na ngayon ay Republic Act No. 12021 na matapos malagdaan ng Pangulo.