Vic Reyes

Nagpapakalat ng fake news dapat kasuhan

Vic Reyes Jun 14, 2026
38 Views

MALIGAYANG araw sa ating mga tagasubaybay, lalo na sa mga kababayan natin sa Japan.

Nawa’y nasa mabuti at ligtas kayong kalagayan.

Binabati natin sina Ma. Theresa Yasuki, Winger dela Cruz, Patricia Coronel, La Dy Pinky, Yoshiko Katsumata, Josie Gelo, Hiroki Hayashi, Mama Aki ng Ihawan, Glenn Raganas, Endo Yumi, Roana San Jose, at Hiroshi Katsumata.

Ganun din kina Joann de Guzman at mga kasama niya sa Oman; Nida Reyes, Dolores Monfero at Delia Sunga ng Saudi Arabia.

God bless sa inyong lahat!

***

Maliban sa pangongolekta ng buwis, taripa sa mga importasyon at iba pang bayarin, meron pang ibang lawful sources of income ang Bureau of Customs (BOC).

Ito ang tinatawag na “public auction” at “negotiated sale” ng mga kumpiskado at abandonadong shipments.

Ang iba namang forfeited shipments ay ipanamimigay ng ahensya sa concerned government agencies, kasama na ang mga LGUs.

Mula Enero hanggang Mayo, 2026 ay nakalikom ang BOC ng P329.934 milyon mula sa public auction at negotiated sale ng forfeited at seized goods.

Kasama sa naibenta ang 13 sasakyan ng mag-asawang Discaya. Ang mga sasakyan ay naibenta ng P114,7444,884,15.

Ang proceeds ng subasta at negotiated sale ay ni-remit ng BOC sa Bureau of the Treasury.

Ayon kay Commissioner Ariel F. Nepomuceno, ang “public auction and negotiated sale remain among BOC’s most transparent and accountable modes of disposing seized and forfeited goods.”“Hindi po napupunta sa personal interes ang proceeds. Ang mga ito ay government funds na dumadaan sa tamang proseso, mula sa opisyal na resibo, recording deposit, hanggang audit,” dagdag ni Nepomuceno.

Tama naman si Commissioner Nepomucenona mahalagang malaman ng publiko na ang bawat pisong nakukuha sa auction ay accounted for at pinamamahalaan ayon sa batas.

“Guided by its Integrity, Accountability, and Modernization (IAM) Movement, the BOC continues to uphold good governance in line with President Marcos’ directive for a more transparent, accountable and efficient government,” dagdag pa Nepomuceno.

***

Kamakailan ay pinangunahan nina Customs Commissioner Ariel F. Nepomuceno at Sen. Francis “Kiko” Pangilinan ang inspeksyon ng 26 containers na naglalaman ng fresh red onions.

Ayon sa BOC, ang mga sibuyas na tumitimbang ng 650,000 kilograms ay inabandona ng consignee.

Si Senador Pangilinan ay chairman ng Senate Committee on Agriculture.

Nagkakahalaga ng P986.684 milyon, ang mga sibuyas, na nakalagay sa 72,215 bags, ay galing ng China.

Ang dapat bayaran ng consignee ay P9,648,339,93 taxes at duties.

Pero P9,073,796.73 milyon “remained unpaid,” ayon sa BOC.

Bago nito ay nakipag-ugnayan si MICP District Collector Geoffrey K. de Vera sa Bureau of Plant Industry-Department of Agriculture (BPI-DA).

Dito nalaman na may import permits ang shipment pero dahil sa kabiguan ng consignee “to process” ay hindi nai-release ang mga sibuyas.

Dahil dito ay ang “integrity and quality of the goods may already deteriorate and not fit for human consumption.”

“We will continue to act on all reports involving suspicious, unclaimed or abandoned shipments, lalo na ang mga agricultural products na maaaring makaapekto sa ating mga magsasaka, konsyumers at lehitimong negosyante,” sabi ni Commissioner Nepomuceno.

Ayon pa kay Nepomuceno, determinado ang BOC na labanan ang ismagling bilang pagsunod sa utos n Pangulong Ferdinand R. Marcos.

***

Tingin natin kung dadami pa ang fake news at disinformation sa social media habang papalapit ang impeachment trial ni Bise Presidente Sara Duterte sa Senado.

Kaya kailangan ng gobyerno ay agad na pabulaanan ang mga ito para hindi malinlang ang taumbayan.

Hindi lang ‘yan. Dapat kilalanin ang mga nagpapakalat ng fake news at kasuhan sa husgado.

Magagawa ito ng gobyerno dahil may sapat silang kapangyarihan para papanagutin ang mga lumalabag sa batas.

Kailangan ng concerned government officials ng political will para matigil na ang mga fake news.

Dapat may mga lingkod-bayan na ang tanging trabaho ay i-monitor ang social media.

Magagawa ito ng mga taga-Malakanyang, Camp Crame, NBI at iba pang state agencies.

Huwag natin pabayaang lokohin ang sambayanang Filipino!

(Para sa inyong komento at pagbati, mag-textbsa 0917-8624484.)