Calendar
PBBM focused sa trabaho, di madi-distract ng mga kritiko
MAGANDANG araw sa lahat ng ating mambabasa.
Sana ay nasa mabuti at ligtas kayong kalagayan.
Mabuhay kayong lahat!
Binabati rin natin ang mga kababayan natin sa Japan na sina Ma. Theresa Yasuki, Patricia Coronel, Roana San Jose, Yoshiko Katsumata, Tata Yap Yamazaki, Mama Aki , La Dy Pinky, Endo Yumi, Lorna Pangan Tadokoro, Winger dela Cruz, Hiroki Hayashi, at Hiroshi Katsumata.
Ganun din kay Joanne de Guzman at iba pang OFW natin sa Oman.
***
“Gusto ko lamang linawin sa mga nagbabalak magpuslit ng ilegal na produkto sa bansa na sisiguruhin ko at ng BOC (Bureau of Customs) na lahat ng responsable sa ganitong uri ng aktibidad ay mapapanagot.”
Ito ang mariing sinabi ni Customs Commissioner Ariel F. Nepomuceno noong Martes nang pangunahan niya ang inspeksyon ng mga kumpiskadong produkto sa Manila International Container Port (MICP).
Ang warning ni Commissioner Nepomuceno ay isang“bad news” sa mga iligalista sa dating snake-infested na waterfront sa Manila.
Walang sasantuhin si Comm. Ariel dahil alam niyang hanggang sa ngayon ay meron pa rin sumusubok gumawa ng smuggling activities sa bansa.
Nagkakahalaga ng mahigit P53 milyon ang mga nakumpiskang kontrabando sa MICP na kinabibilangan ng pharmaceutical products, electronics, cosmetics, automotive parts, hardware at iba pang accessories.
Galing ng China, ang shipment ay idineklarang naglalaman ng 1,144 pet cages.
Pero sa spot check ay may nakitang undeclared medicines. Kaya ini-rekomenda ng Customs Intelligence and Investigation Service-MICP ang 100 percent physical examination sa shipment.
At dito na tumambad sa mga inspektor ang ibaa’t ibang undeclared commodities na walang permit mula sa Food and Drug Administration (FDA).
Ang mga produktong pharmaceutical ay nakalagay sa 336 na kahon at nagkakahalaga ng P33.367 milyon.
Ang 406 boxes naman ay naglalaman ng mga goods na may halagang P19.692 milyon.
Sinabi ni Commissioner Nepomuceno na “we will not allow illicit trade to undermine the safety of our people or the integrity of our economy,”
Ayon naman kay MICP District Collector Felipe Geoffrey K. de Vera, mananatili silang nasa “heightened alert” para masawata ang ismagling.
Kasama sa inspeksyon si Franklin Anthony M. Tabaquin ng FDA at mga representante ng UNILAB. Inc..
***
All-out ang suporta ng export sector sa lahat ng mga repormang ipinapatupad ng liderato ng Bureau of Customs (BOC).
Ito ay nabatid nang magpulong kamakailan ang mga kasapi ng Export Development Council (EDC) at industry representatives sa Makati City.
Sa nasabing pulong, “the EDC conveyed its appreciation for BOC’s openness to dialogue and its responsiveness to stakeholders’ feedback.
Lalo na sa mga measures “that balance regulatory control with ease of doing business,”
Nagpulong ang key government agencies at private sector leaders para pag-usapan ang “policies and programs aimed at strengthening the country’s export competitiveness.”
Sa ngayon ay patuloy na nagpapatupad ng mga reporma ang BOC para mapaganda ang serbisyo ng gobyerno sa aduana.
Patuloy ang modernization programs ng BOC para ma-improve ang trade facilitation at ma-address ang iba’t ibang long-standing concerns ng mga exporter sa bansa.
***
Naniniwala tayo na malalampasan ng Pilipinas ang kasalukuyang “trying times” dulot ng patuloy na kaguluhan sa Gitnang Silangan.
Kung nakaya nating bumangon sa ating pagkakalugmok noong panahon ng pandemya ay walang dahilan kung bakit hindi natin malalampasan ang kasalukuyang krisis.
Lalo na’t nandiyan si Pangulong Ferdinand R. Marcos, kasama ang iba pang government officials, na nangunguna sa pag-address sa mga problema na dulot ng giyera sa Middle East.
Naka-focus ang atensyon ni Pangulong Marcos sa trababo kahit hindi siya tinatantanan ng kanyang mga “destructive critics.”
Nagsasayang lang ng laway at oras ang mga kritikong ito dahil hindi nila madi-distract ang atensyon ni PBBM.
May sarili siyang trabaho bilang Presidente ng 115 milyon na Pilipino.
Bahala naman ang mga miyembro ng Kongreso na gampanan ang kani-kanilang trabaho, kasama na ang pagpapanagot sa mga opisyal na nagkasala sa bayan.
Huwag din silang magpapa-apekto sa mga “tantrums” ng ilang lingkod-bayan na ang tanging gusto ay mawala sa eksena si Pangulong Marcos.
Hindi mangyayari ‘yan dahil mulat na sa katotohanan ang masang Pilipino, kasama na ang mga ordinaryong mamamayan.
Tama ba kami, Pangulong Marcos, Ombudsman Crispin “Boying” Remulla at House Speaker Faustino “Bogie” Dy lll?
(Para sa komento at pagbati, mag-text sa numero +63 9178624484/email:philipreyes08@yahoo.com. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)

