Calendar
PNP-HPG nabuwag online car scam ring
NANINIWALA ang mga agents ng Philippine National Police Highway Patrol Group (PNP-HPG) na nabuwag nito ang tinaguriang “Talon Casa” syndicate scheme at na-recover ang limang ninakaw na sasakyan.
Sinabi ni PNP-HPG Director Col. Hansel Marantan na nahuli ang mga suspek nang bentahan ng sasakyan na may fraudulent Land Transportation Office registration papers ang isang undercover officer.
Nahuli ng mga ahente ng PNP-HPG Intelligence Section sa pangunguna ni Lieutenant Col. Eric Reverente ang mga miyembro ng sindikato na sina alyas “Rhussel,” “Niño” at “Dryden” sa Esplanade Seaside Terminal in Pasay City .
Nabawi sa operasyon ang dalawang Hyundai Stargazer, dalawang Mitsubishi Mirage G4, isang Nissan Terra 2.5 VE at Toyota Avanza.
Nakuha din kay Rhussel ang isang walang lisensyang cal .22 revolver at buy-bust money.
Nahaharap ang tatlong nahuli sa kasong estafa at paglabag sa Republic Act No. 4136, o ang Land Transportation and Traffic Code.

