Batangas

Sen. Tulfo bumisita sa Batangas terminal

98 Views

BATANGAS CITY–Bumisita noong Martes sa Batangas City grand terminal si Sen. Raffy Tulfo upang mag-inspeksyon sa mga pampasaherong bus, closed vans at cargo trailers at matiyak na ang mga ito ay sumusunod sa itinakdang speed limit.

Alinsunod sa RA 10916 o Road Speed Limiter Act of 2016, may speed limiter sa mga sasakyan upang mapahusay ang road safety at masiguro ang kaligtasan ng mga pasahero.

Bukod sa speed limiter, kinakailangan ding mayroong window breaker at fire extinguisher ang mga sasakyan bilang karagdagang hakbang sa kaligtasan.

May ilang sasakyan ang nakitaan ng paglabag at naisyuhan ng show cause order.

Ayon sa senador, matapos ang kanyang inspeksyon sa Kamaynilaan, iikot siya sa iba’t-ibang lalawigan upang masiguro ang maayos na implementasyon ng nasabing batas.