PRO Source: Police Regional Office 3

Chokolate, bulaklak natanggap ng mga Aleng Pulis sa PRO3 mula kay Peñones

90 Views

BILANG bahagi ng celebration ng Valentine’s Day nitong February 14, 2026, pinangunahan ni PBGen. Ponce Rogelio I. Peñones Jr., Regional Director ng Police Regional Office 3 (PRO3), kasama ang mga miyembro ng Command Group, ang pamimigay ng bulaklak at chokolate sa mga babaing miyembro ng PRO3 sa Camp Captain Julian Olivas, City of San Fernando, Pampanga.

“Ang inyong malasakit, tibay ng loob, at dedikasyon sa tungkulin ay patuloy na nagbibigay inspirasyon sa buong PRO3. Nawa’y manatiling matatag ang inyong puso sa paglilingkod at pagmamahal sa bayan. Ngayong Araw ng mga Puso, alalahanin ang 3Ps — Puso sa Paglilingkod, Paggalang sa Kapwa, at Pagkakaisa sa Layunin. Happy Valentine’s Day!,” ang naging mensahe ni Peñones sa kapulisan ng PRO3.

Sa publiko naman idiniin ng ni Peñones na, “sa PRO3, ang tunay na serbisyo ay may puso — malasakit sa kapwa at tapat na paglilingkod para sa kaligtasan ng lahat. Maligayang Araw ng mga Puso mula sa inyong PRO3 — serbisyong may puso, para sa bayan.”